![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
UNANG SINODO NG BALANGA Titik: Bishop Soc B. Villegas Musika: Prof. Ryan Cayabyab
Malapit na ang bukas Narito na ang pangarap Pagbabago at malasakit Na matagal ng hinahanap. Liwanagin ang landas magka-isa’t magsumikap Malapit na ang tagsibol Kay ganda ng hinaharap!
Ang bukas ay ngayon na. Nasa ating kasalukuyan, Ang binhing hasik ngayon Ang Ina ng kinabukasan. Kung nais nating rumikit Ang darating na mga araw Patatagin ang kasalukuyan, Ito ang tunay nating yaman!
Ang bukas ay kahapon pa. Dumating sa ating piling, Ang ala-ala ng kahapon Nitong ating bayang magiliw, Bayani at banal, Ang ninunong pinagmulan natin, Tayo’y bayani at banal din, Lahing banal at magiting!
Abucay,Samal, at Balanga, Pag-asa ng kinabukasan. Mariveles,Limay, at Hermosa, Biyaya ng kasalukuyan. Orion, Orani, at Pilar, Ala-ala ng kasaysayan. Bagac,Morong, at Dinalupihan, Kabayanihan at kabanalan.
|
||