The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

 

PINAG-ISANG PANININDIGAN

 

Kami, ang magkakasamang pamunuan ng pamahalaan at pinuno ng iba’t ibang Kristiyanong Simbahan sa Bataan ay naninindigan para sa kapakanan ng Bataan at nagpupugay sa kasaysayan ng mga bayani ng Bataan.

 

Kinikilala namin na ang bisyo ay sagabal sa pag-unlad ng bayan.

 

Kinikilala namin na ang marangal na hanapbuhay ay karapatan at pananagutan ng isang mabuting mamamayan.

 

Nananawagan kami sa lahat ng mamamayan at mananampalataya na labanan ang illegal na sugalan sa buong Bataan sa pamamagitan ng pagbabantay, pagsusuplong sa maykapangyarihan o sa mga pinuno ng Simbahan at sama samang pagkilos laban dito.

 

Nananawagan din kami sa inyo na mamuhay ng marangal at huwag tumaya kahit sa mga legal na uri ng sugal.

 

Kami ay nangangako na magsasama-sama na para mapatigil ang lahat ng illegal na sugal sa Bataan.

 

 

 

Magkahiwalay ang larangan ng paglilingkod ng simbahan at pamahalaan subalit kami, ang mga pinuno ng mga Kristiyanong Simbahan at ang mga pinuno ng pamahalaan ay nagkakaisa sa paghahangad ng kabutihan ng Bataan.

 

 

Mayo 18, 2006

 
  pinag3  

News Archives

 @ 2007 Diocese of