The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

 

Mga Kapatid kay Kristo:

 

            Unang-una ipinaabot ko ang aking taos-pusong pasasalamat sa mainit ninyong pagtangkilik sa PALAD.

            Natapos na ang Module I para sa tatlong grupo (3 batches) ng ating mga Lider-Layko.  Muling bubuksan ang Module I sa susunod na mga buwan para sa mga nagnanais kumuha nito.  Pansamantala, inaanyayahan ang mga nakatapos ng Module I na sumailalim sa Module II at Module III.

            Maba-balewala ang orihinal na pagkakahati sa 3 batches, sapagkat mayroon na lamang 2 batches para sa mga nasabing modules.  Kaya, mangyari po lamang na ipagbigay alam ninyo sa mga nakatapos na ng Module I na kailangang may “reservation” na sila sa Sabado, Mayo 7, 5:00 ng hapon.  Sa mga hindi pa kumuha ng Module I, bukas ang dalawang susunod na modules sa mga nagnanais kumuha nito; ngunit kinakailangang kumuha pa rin ng diagnostic test sa BCGFC.  Maari kayong makipag-ugnayan sa aming tanggapan mula Lunes – Biyernes, 8:00am - 5:00pm:

                        BCGFC

                        Calaguiman, Samal, Bataan 2113

                        Tel # (047) 451-2138

                        Email:  palad@balangadiocese.com

O maari ding sa pamamagitan ng text (para lamang sa mga kumuha na ng diagnostic test) na may ganitong format:

Type <Name> <Space> <2><Batch #><Space><3><Batch #> then  Send to 09262060198

Example:  Beth de Guzman 2I 3II (Dadalo si Beth ng Module 2 Batch I at Module 3 Batch II)

Narito po ang iba pang mga detalye:

                        Module II

                                    May   9 – 13                Batch I

                                    May 16 – 20                Batch II

                        Module III

                                    May 23 – 27                Batch I

                                    May 30 – June 3          Batch II

Dalangin po namin na muli ninyong tatangkilikin ang aming abang paglilingkod tungo sa sama-sama nating kabayanihan at kabanalan.  Bawal Magkasakit.  Bawal Magpahinga.  Bawal Tumahimik.

 

 

Kay Kristo,

 

______________

Mike B. Tria

 

News Archives

 @ 2007 Diocese of