![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
“MULA SA LUBID HANGGANG SA TUBIG…” Bataan Clergy Renewal The Good Shepherd Spirituality Center Antipolo, Rizal September 19 to 23, 2005 Lubid…
Sa pinagsama-samang lakas ng Kaparian, Nawa’y matutuhan na ang mga ito’y handog ng Diyos! Si Hesus lamang ang Lakas at si Hesus lamang ang nagkakaloob At lahat tayo’y walang karapatang magmalaki at magmagaling!
Mula sa Paglundag sa katotohanan, marami tayong natutuhan Manalig lamang kay Hesus na ating Gabay at Tagapagligtas. Sa mga lubid na nakalambitin , sa Langit tayo’y kumapit Sa mga punong Sandigan at Kanlungan Tayo’y nagtagpo mula sa panibagong titig ng Pag-ibig! Tubig…
Sa paglutang ng mga isdang bola at sa mga pinalayang budhi Muling sumigla ang silakbo ng puso. Sa tulong tulong na pamimingwit Ng mga pinagsaluhang langit “Humayo kayo at mamalakaya ng mga tao” ! Ang habilin ni Hesukristo!
Sa butas-butas na drum, mababanaagan ang ating pagiging makasalanan! Sa hangad na hindi masayang ang espiritu ng Kabanalan! Takip dito, takip pa rin dito …At mas “Dito” talaga! Sa mariin na pagdidito ng ating paninindigan Isabuhay sa gawa ang bukambibig ng salita. AMEN!
Minsan Isang Hatinggabi sa tagaktak ng Ulan…
Fr. Perry V. Medina Katedral ng Balanga
|
||||