![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
SI SATANAS NGA NAMAN! Unang Linggo ng Kuwaresma
“Ang kahinaan ng kalaban ay lakas ng nakikipaglaban!”
Sino si Satanas? Bakit natin siya dapat pag-aralan? Una, siya’y kaaway ng Diyos! Inaway niya ang Diyos, dahil gusto niyang palitan ang Diyos! Mas mahusay na malaman natin ang kilos at ugali ng kalaban upang lalo tayong mapasa-Diyos. Ikalawa, matuto tayong harapin ang kalaban upang matuklasan ang kanyang kahinaan!
TUSO!- Ang Salita ng Diyos ay kanyang minamali nang hindi halata! Sa Henesis, ang salita ng Diyos ang “susi” sa paglikha.” . “Sinabi ng Diyos” …magkaroon ng liwanag…kalawakan…lupa…halaman…tanglaw…araw at buwan…dagat…mga nilikhang hayop sa tubig, himpapawid, sa lupa, at tao na kalarawan Niya Napakamakapangyarihan ang salita ng Diyos. Nguni’t para sa diyablo, ang Salita ng Diyos ay hindi totoo. “Sinabi bang huwag kainin ang anumang bungangkahoy sa halamanan?” Kaya’t ang unang nangyari bago magkasala ang tao, ay balewalain ang salita ng Diyos, at ihiwalay ang tao sa Salita, at ilayo sa Diyos Bumagsak ang Tao! Madalas din tayong mag-away-away sa salita, sa sabi-sabi; sa mga bali-balita; sa mga pangakong “oo” na nagiging “hindi”; sa mga masasakit na salita;; sa kasinungalinan; at paninirang-puri, at marami pang iba. Labanan natin ang diyablo sa kanyang katusuhan. Kung tayo’y hindi maniniwala sa Salita ng Diyos, mawawala ang matuwid na pamumuhay. Kung mahal natin ang Diyos, palagi tayong maniniwala sa kanyang Salita-kay Hesukristo, ang Salitang nagkatawang tao! Makinig tayo sa kanya. “Si Hesus ang Daan, Katotohanan, at ang Buhay.”.
AMBISYOSO! Si Satanas, gusto niyang palitan ang Diyos! Gumagamit siya ng ibang tao (Eva at Adan) o mismong tayo, upang kasangkapanin sa ambisyong ito! Si Hesus ay tinuksong gamitin ang “maling” kapangyarihan sa ilang! Gusto niyang paglaruan ang Diyos, pairalin ang kayabangan, ang pagmamalaki, ang madaliang “instants & magics” laban sa paghihirap, pagpapakasakit, at pag-ibig! At sa bandang hulihan ng tukso sa ilang, gusto ng diyablo na sambahin na siya ni Kristo. Gusto niyang palitan ang Diyos! Marami din sa buhay natin ang pag-aaway-away gawa ng ambisyon. Noon pa man, bakit nagkaroon ng iba’t ibang relihiyon, at sangkaterbang sekta sa relihiyon; sa mga nag-aaway away na mga ministro sa telebisyon, nagmula ang lahat sa away ng pamunuan na may kinalaman sa posisyon. Away sa gobyerno, away sa Simbahan, malaki ang kinalaman sa ambisyon! Maging mulat tayo sa gawain ng diyablo, gusto niyang palitan ang Diyos; gusto niyang pasambahin si Kristo sa kanya. Matuto tayo sa pamamaraan ng Diyos- ang pagpapakumbaba, kabanalan, pag-ibig na may malasakit, at pag-aalay ng buhay! Biglang suko ang diyablo, tagumpay si Kristo!
Totoong may Satanas, Tuso at Ambisyoso! Totoong may Diyos, Banal at Tapat! Mahalin natin ang Diyos at ang Salita ng Diyos ay tuparin sa gawa. Mahalin natin si Kristo at ang pag-aalay ng buhay ay isagawa! Harapin ang diyablo sa kanyang pagsuko!
|
||||