![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
BAGONG “TOTOY” NG KAPARIAN
Reberendo Padre Milver R. Cruz
Setyembre 30, 2006
Parokya ng San Jose, Manggagawa
Cabcaben, Mariveles, Bataan
May tumatawag sa kanyang “totoy” na para bang may gatas pa sa labi at “bagets” sa pagpapari. Totoo, sapagkat siya ngayon ang pinakabagong naordenahang pari sa Bataan ng ating Kgg. Na Obispo Socrates B. Villegas. Halos nabibilang pa lamang ng mga daliri(sa kamay at paa) ang mga araw niya sa pagkapari. Bagama’t bago at “totoy” ang turing, ngunit sa totoo ay bilang pari ay “presbiteryo”-kahulugan ay “Matanda” ng bayan. Pinili, at hinirang mula sa nakararami at pinatungan ng kamay upang maging pari ng Diyos at sambayanan. Matanda upang tawaging ”Father” ng lahat. Matanda upang maging ”Tanda” ng Pag-ibig ng Diyos sa mundong magalaw at mabilis kumawala sa biyaya. Matanda sapagkat ang mga ’kamay” na pinahiran ng Krisma ay magsisilbing hanap ng sambayananan para sa ”Mano po” padre, tagabasbas, tagamisa, tagapagpatawad, taga-agapay, tagapahid ng banal na langis sa maysakit, tagabinyag, taga-hilom, tagapagbuklod, at taga-ugnay, at tagahandog kay Kristo ng mga mananampalatayang Kristiyano na dapat gampanan ng may puso at malasakit katulad ni Kristo. Reberendo Padre Milver R. Cruz, Congratulations! Pari Magpakailan Man!
Magandang pagmasdan ang eksenang ito ng pagpapahalik sa kamay ng bagong ordeng pari na si Fr. Milver. Buhay na buhay sa mata ng bata sa gawing kaliwa, ang kanyang pagka”MANGHA” Naglalaro sa isipan ko, kung si ”totoy” at ang batang ito ay maglalaro nang buong ligaya, patuloy ang HIWAGA NG PAGKAPARI...Walang patid at walang humpay sa puso ng Diyos at ng Simbahan.
Magpari din kaya siya? Abangan...