The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

 

UYAYI

 

(Para kay Barbara, ang Negra sa ilalim ng tulay,

At pulubi sa Simbahan - meron din dito!)

 

Sabay sa pagpatak ng ulan sa gabi

Maririnig isang malungkot na uyayi

Mga tinig ng namumutlang labi

Sa duyan ng buhay, ikaw ba ay sawi?

 

Aawit ang Birhen sa nakatagong kandila

Pagmamasdan ang anghel sa pinturang maputla

Sabay sa nagsusumamong kampana

Aawit ang puso, nagmamakaawa.

 

Kahi't walang indayog ang hangin sa dulo

Kahi't walang ilaw ang lamparang ginto

May bulong ang bawa't paghakbang

Ng isang inang nanghihina ang pakiramdam.

 

Wala ang hampas ng alon sa dagat

Wala ang tinig ng hanging habagat

Natakpan ng mga gusaling nag-uunahang umakyat

Sa langit ng pangarap, natakpang lahat.

 

Sige, awitin mo ang bawa't patak ng iyong luha

Sige, iduyan mo ang bawa't lungkot sa iyong mukha

May pangarap na taglay sa iyong pagkatha

Aawit ang puso ng pag-ibig na dakila -

Sana nga!

 

more Reflections

 @ 2007 Diocese of