![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
UMAGANG KAY GANDA Hulyo 20
Sabi ko na nga ba, sisikat ang araw Kahi't sinabi nilang uulan at kikidlat Kahi't maraming nagmura sa kanilang dala-dala Payong, jacket at kapote.
Akala kasi ay sapat na Ang kaligtasan ay dala niya Uncle Sam ang pangalan niya Ang kaharian ay hawak niya.
Aasa sa mga psychic sa bangketa Sa dasal na parang express-padala Kung walang sagot bukas, goodbye na Aasarin ka pa, at pagtatawanan pa.
Bilang sa daliri ang tunay na tao Bilang sa daliri ang kaibigan mo Bilang sa daliri ang kakampi mo Bilang sa daliri ang dadamay sa iyo.
Maging handa, matatag at mapanuri Sino ka naman para bigyan ng papuri; Kung hindi dahil sa teknolohiya May gaganda pa sa bayang sinilangan?
Kapag nagalaw mo ang tubig ng ilog nila Nalindol ang bundok ng isip nila Nauga ang haligi ng puso nila, Ah, may umagang kay ganda! |
||||