![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
ROMANTIKO
Nais kong pasukin Puso mo at damdamin Nais kong lakbayin Kahapon mo'y abutin.
Romantiko, o lunsod ng yelo Nahihiyang buwan Maliwanag ng kalangitan Mga ibong nagliliparan.
May sariling ritmo May sariling estilo Galaw ng buhay mo Sana aking matanto.
At sa umaga Kalsada'y puno pa Nagmamadaling mga paa At mga matang kay ganda.
Sa hangin mong kay lamig Tila dala ay pag-ibig Tila walang ligalig Ang takbo ng daigdig.
Nagyayakapan, naghahalikan Mga gusali sa Manhattan Parang litanya ng pagsamba Tunog sa bawa't kalsada.
May ngiti sa pagmamadali May halik sa pagbati Iduyan mo ang buhay ko O lunsod na romantiko. |
||||