![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
PILIPINO Hunyo 5
Nakapagtataka Iba't ibang estasyon sa TV Pinakikita Kabayanihan ng mga sundalong Pilipino.
Hindi lang sa isa, dalawa o tatlong channels, Nasaksihan ko Maraming pagsaludo Sa mga Pilipino Noong nakaraang digmaan.
Bakit hindi ko ito nakita Sa mga telebisyon sa ating bansa Sa lupang pinagmulan Ng ating kabayanihan?
Naluluha pa nga sila Mga beteranong Puti Sa tuwing maaalala Kabayanihan nating dala.
Sabi pa nga nila Wala pa raw silang nakikita Ng tapang at tatag Katulad ng mga sundalong Pilipino.
Aber, naitanong ko tuloy Paano tayo ngayon Bakit iba ang mukha't panaghoy Ng perlas ng silangan?
Kailan nagsimulang Mawala ang kabayanihan Sa puso nati't isipan Paano pa ang kinabukasan?
Sana may bagong digmaan - Sa ating bayang sinilangan Digmaan ng pagmamahalan Kabanalan at kabayanihan.
NGAYON NA! |
||||