![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
NAKITA KO ANG MATA NI JUAN... (Hunyo 3)
At bumuhos ang malakas na patak ng ulan Sa mahabang kalsada, sa maruming daan Mistulang dugo ng nahihiyang puso Ng isang dayuhang walang masilungan.
Akala ko ay may hihintong sasakyan Para makasakay si Juan O kaya ay balikat na aakbay Sa pagkalito may karamay...
Pero sabi ni Juan, ang lahat ay magaan Ang lahat ay isang mayamang karanasan Baon ay biyaya ng Poong Maykapal Di ba't sabi pa nga'y "Halika, sa Aki'y humimlay."
Nakita ko ang mata ni Juan, Malamlam, mapungay, pero luhaan Kasabay ang patak ng malakas na ulan Bakit minsan ang mabuti, sa umpisa lamang.
Sige, lumakad ka, kaibigang Juan Hayaan mong baybayin buong Manhattan Hindi baleng mabasa buong katawan Huwag lang isuko, pusong nasugatan.
At patuloy na bumuhos ang malakas na ulan.... |
||||