The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

 

LINGGO

 

At nagsimula ang  Misa

Pero aaninagin ka nila

Simula ulo hanggang paa

Sino kaya ito, alam kong tanong nila.

 

Ganoon din

Pinoy diyan, Pinoy dito

May ngiti, may dating

Kapag nagkakapiling

Sa loob man ng kapilya

O malaking katedral kaya

Buhay na pagsamba

At pagtawag sa Maylikha.

 

Sige nga,

Maghanap ka

Ng simbahan dito

Tiyak na may makikita

Kababayang nagsasamba.

 

Sa una lang magtataka

Baki't ka nagmimisa

Sa simbahang banyaga

Di ba Pilipino ka?

 

Pero mukhang walang Donya Titay

Na panay ang paypay

Kasi naman, malamig dito

Kaya imbes na paypay

Mga pasosyal na "ehem"

At matahimik at malarobot na galaw

Ng puwit sa silyang maykulay

Aba nakakahiya nga naman

Naka coat and tie ka pa naman

Kaya, hala, pinong galaw

At tahimik na tatangu-tango

Sa homilyang naintindihan kaya?

 

At pagkatapos ng Misa

Tiyak may tawanan

Kuwentuhan, kumustahan

Kahi't laging magkakasama

Kasunod ang kainan

A, alam mong may Pinoy diyan.

 

 

more Reflections

 @ 2007 Diocese of