The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

BASURA, At Iba Pa...

 

Marami rin pala ang basura dito

Akala ko sa Maynila lang may mga estero

Pero kasama sa mga itinatapon dito

Mga batang buhay, o bakit ganito?

 

Marami palang basura dito

Kaya lang bigtime mga basurero

Di  narurumihan, di  napuputikan

Naka kurbata pa nga at may sasakyan.

 

Pati aso may sombrero,

Pwede ka pang ihusgado -

Kung mga hayop ay masaktan mo,

Pero basura ang turing sa batang galing sa sinapupunan.

 

Naka dyaryo pa nga

Kapag pusa ay nawawala

At sa obituary ay nasusulat

Paglisan ni Doggie na sa yaman ay mulat.

 

Minsan parang nakaliligaw

Kabayanihan at kabutihan

Nawawala - tamang paggalang

Nasa basura na rin kaya, pati kaluluwa?

more Reflections

 @ 2007 Diocese of