![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
ANG BIRHEN SA LIKOD NG PHILIPPINE PASTORAL CENTER 248 East 62nd St. NY 10021
Walang kibo. Nagmamasid? Siguro. Pero may snow daw noong nakaraang mga buwan At malamig pa hanggang ngayon. Hindi la ba natutunaw sa lamig? Pero matagal ka na diyan Sa gitna ng hardin, ng mga bakal na upuan at lamesa Laging nakatayo. Nakatanaw. Minsan, nakita kita sa isang lumang litrato Sa likod ng mga kapwa-Pilipinong nag-kodakan at nagtawanan Walang kibo.
Hindi mo ba narinig Ang pangarap ni X - Kung bakit siya narito Sa banyagang lunsod? Hindi mo ba narinig Ang sigaw sa malayong doon - Sigaw ng mababang sahod at mataas na presyo ng bilihin?
Nagmamasid. Nakikinig, sa palagay ko Pati sa aking tahimik at Pabulong na dasal at pangarap. Alam ko Dadalhin mo ang mga ito sa Iyong Anak Sa kalangitan. Kahi't rebulto ka sa paningin ng marami Kahi't ini-snow at inaarawan Naiinitan at nalalamigan Parang buhay. Kahi't nasaaan, nakikibaka. Alam ko, ang lahat ay dadalhin mo Sa Iyong Bugtong na Anak At isang araw Ang umaga'y kay ganda na Sa maraming X sa lungsod na ito.
Sige, Pagmasdan mo pa kami Hindi ka naman talaga rebulto lang Ikaw ay tulay ng maraming Pilipino Papunta sa tunay na tahanan.
Babalikan kita O Birhen ng Hardin At muli mong maririnig Ang bulong kong kay lambing.
|
||||