![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
MUKHA Setyembre 23, 2005
Hindi totoo na iba-iba sila Kung tutuusin, siyam sa sampu ay pareho. May earphone na iba't ibang estilo Ang nakapasok sa tainga, Ngumunguya ng chewing gum Ang kaliwang kamay ay may tubig o kape Alin man sa dalawa Ang kanang kamay naman ay may ipod o celfon.
Kapag ipod ang nasa kanan, Magalaw ang malaking daliri sa menu nito Kapag celfon naman Sasabayan sa pagnguya ang pagsalita Akala mo tuloy mga baliw na walang kausap Salita nang salita Palakasan - sa subway man o daan Tatawa - di baleng mahulog ang chewing gum O matilamsikan ka ng kape o tubig.
Ang lahat nang ito ay sabay sa mga nagmamadaling lakad Alisto ka baka matapakan ka O bundulin ka nila Alin man sa dalawa Wala kang lusot.
Minsan pa nga May parang "commercial" sa kanilang ritmo Babatiin ka ng hungkag na pagbati "How are you today?" At hindi naman maririnig o iintindihin ang sagot mo Basta may masabi lang sila.
Siguro lima sa sampung babae ay litaw ang pusod Masuwerte ka kung walang tattoo Bata man o hindi Baka bukas pati buntis gagaya na rin. Matatakot ka pa nga kapag itim ito Parang mapa ng Atlantika Nang matabunan ito ng pinturang may alkitran.
Mukha ito - ano kaya ang nasa likod nito? |
||||