![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
BAKA SAKALI Setyembre 11
Baka sakaling dumating ang Tagapagligtas Ayon kay Jackson na laging nakatayo sa Times Square Sa estasyon ng subway patungo sa kung saan-saan - Depende sa iyong patutunguhan; Di ko talaga alam ang tunay niyang pangalan Tinawag lang siyang Jackson ng isang bata.
Pag daan ko tuwing umaga, andoon si Jackson Nakatingala. Ewan ko kung hinihintay niya ang pagbagsak ng kung ano sa itaas. Basta nakatingala siya. Kasi nagmamadali rin ako May dalang sariling preno Kung hindi, baka, masigawan ka o mabundol ka Ng mga paang parang metrobus na nag-uunahan (Sabi ko na kasi umalis nang maaga!).
At maririnig mo si Jackson Sa kanyang malungkot na pagsigaw Sa pagbabakasakaling darating na ang Tagapagligtas Ng Estados Unidos. Sa kamay daw ng mga terorista.
Sigle lang naman ang daloy ng taong-trapiko Sa pag-uunahan sa paghanap ng kung aling subway train Ang magdadala sa mga pupuntahan. habang ako rin ay pipiliin ko ang express Q train Upang dalhin ako sa aking patutunguhan sa Union Square.
Kinabukasan, andoon ulit si Jackson Nagbabakasakaling darating na ang Tagapagligtas. Kanina, wala siya. Siguro Linggo. Nagpahinga marahil sa katitingala o sa kahihintay. Napadaan lang ako pupuntang Queens Upang magmisa sa isang pamilyang Pilipino Na nagbabakasakali ring manalo ng Lotto.
Baka nga naman, malay mo. Ito ang lungsod ng mga baka-sakali... Ako, may sarili ring baka-sakali! |
||||