The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

ULAP

 

 

Maraming ulap

Natakpan ang mukha ng langit

Na dati nang nakatago sa mga gusali;

Hindi sapagka’t maraming gusali

Kaya hindi makita ang langit

Kundi laging nagmamadali

Sa pagdaan ng mga tren sa subway

Baka maiwan ka  o kaya ay madumog

Kaya walang langit

Hindi sapagka’t maraming ulap o gusali,

Ang sa kanya ay nakatakip

Sadyang ang lahat ay nagmamadali

Sa kung anu-anong dahilan.

 

Maraming luha

Hindi sapagka’t nalulungkot ka

O nagmamakaawa

Kundi sa yamot at mga nakakubling galit

Sa mga hindi malayang hindi-ko-alam-kung-bakit

Nasa bansa ka pa naman ng malaya (daw)

Hindi ka maaring sumigaw

Na muling nasasaktan ang Birhen

Sa loob ng simbahang parang librong naka-aparador

Na pinupunas-punasan lamang

Tulad ng lumang litrato ng mga sundalo ng digmaan;

 

Maraming boses ang ayaw lumabas

Hindi sapagka’t pipi ka o utal

Kundi, muling mahuhubaran ang kampana

Muling makikita ang dugo sa krus

At ang luha ni Hesus.

 

Ah, maraming ulap

Sa simula ng tag-araw.

 

 

Hunyo 8, 2006

 

more Reflections

 @ 2007 Diocese of