The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

 PARI

 

Sabi ng marami, kabalintunaan ng kasalukuyan

Marahil nag-iisa pero hindi hiwalay

Marahil naninindigan, pero hindi nakikipag-away

Upang ipahayag ang Balita ng kaligtasan.

 

Hinirang, hindi pinilit ang sariling damdamin

Malaya upang tumugon sa tawag ng paglilingkod

Maging ilaw sa gitna ng kadiliman

Maging gabay sa maraming alinlangan.

 

Ang sakripisyo ay bahagi ng pangako

Hindi lamang isang hamak na pagsuko

Sabay sa isang matamis na “Oo”

Ang iaalay ang buhay nang buong-buo.

 

Isang babasaging salamin, parang kristal

Aalagaan, bawa’t kilos, bawa’t galaw

Ang dasal na sadyang mabisang tulay

Laging iaalay sa Poong Maykapal.

 

Marahil hindi nauunawaan ng mundo

Marahil nakararanas ng pagkabigo

Ang puso man sakaling masugatan

Babangon at muling maninindigan.

 

Kapag malapit na ang paglubog ng araw

Panalangin ko, Panginoong aking mahal

Hanguin aking kaluluwa kung sakaling naligaw

Sa piling Mo, ako’y Iyong ihimlay.

 

more Reflections

 @ 2007 Diocese of