The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

IKA-22 NG PEBRERO, 2007 (NGAYON).

  

Mataas na ang sikat ng araw

Habang patuloy ang pagbagsak ng nyebe

Sa kalsadang may bulubunduking yelo sa gilid

At nag-uunahan ang mga sasakyan tulad ng dati.

 

Sa loob ng simbahan

Inaayos ni Fr. John ang mga natirang abo kahapon

Isa-isang dumarating ang mga magsisimba

Habang pinipili ko ang isusuot na kasulya.

 

Panahon ng kuwaresma

Sa palagay ko parang nasa Pilipinas pa rin ako

Lalo na kahapong Miyerkules ng Abo

Puno rin ang simbahan, nag-uunahan, nagtutulakan.

 

Akala ko sa atin lang mapamahiin

Ganoon din dito, kaya lang mukhang grabe pa

Pati aso at pusa gustong isama sa pila

May pa-take home pa ng abo ang iba.

 

Patuloy ang pagnobena kay San Miguel ng isang matanda

Patuloy ang tila walang puknat na tingin ng Birhen sa tabi

Habang papalapit ako sa Altar

Dala pa rin ang maraming bakit at paano.

 

Ah, isang bagong araw!

More Reflections

 @ 2007 Diocese of