The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

LOBO

 

 

“How are you today?”

Sabay talikod,

Hindi naman hinihintay

Ang sagot kung okay o hindi.

Nasanay na ako

Sa ganitong kahungkagan

At kababawan ng Manhattan.

 

Palagi na lang ang panahon

Malamig ba o hindi

Magdadala ba ng payong o hindi

May snow ba o wala.

Nasanay na ako

Sa ganitong kababawan

Tuwing kumakain.

 

May marka ba ng pagtanda

Ang mukha at  balat;

Nasanay na ako

Sa ganitong kababawan

Tuwing may kuwentuhan.

 

Kalayaan ko ito

Kung ano ang gusto kong gawin

Wala kayong pakialam

Sa bawa’t kilos at galaw;

Nasanay na ako

Sa walang pakikialam

Tuwing may naglalaban.

 

Maaalala mo si Ka Gunding

Balat ay nasusunog

Sa pagsusumikap

Itaguyod mga anak, mga pangarap.

 

Maaalala mo si Padre X

E ano kung bumabagyo,

Kailangan ni Mang Berting

Ang Santo Oleo.

 

Maaalala mo si Aling Rosita

Di bale tumatanda

Di bale kulubot na ang mukha

Magsusumikap para sa pamilya.

 

Sabi ng kaibigang pari

Sa seminaryo noon,

Ayaw kong manirahan sa Amerika

Baka mawala aking kaluluwa.

 

 

Abril 5, 2006

 

more Reflections

 @ 2007 Diocese of