The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

AYAW KONG MAKITA ANG KAMATAYAN NI AGNES...

 

Parang naghihingalo ang katawang hapo

Mata’y lumuluha, may sugat, may dugo

Muling ihihimlay sa paanan ng krus

Tanging binibigkas, “Nasaan ka, Hesus?”

 

Ayaw kong makita ang kamatayan ni Agnes

Hindi sapagka’t ako ay duwag, ako rin ay may bangis

Pero wala akong magawa, lagi na ring tulala

Nagtatanong, hinahanap ang mga ang alaala.

 

Dati maraming kaibigan, masaya at makulay

Bawa’t kilos masigla, laging may buhay

Siguro depende na rin sa mga nag-aalaga

Napabayaan ba sa mga asong gala?

 

Pero nasa pamilya na ni Agnes ang halos lahat

Kinaiinggitan, dinadayo, pinapangarap

May kinang ng pera, magarang tahanan

Walang nagawa, lahat may hangganan.

 

Nasobrahan ba ng pag-unlad

At hindi na makita ang mga kapus-palad

Sariling kaluluwa ikinulong sa tuwa

Hindi na marinig tinig ng Maylikha?

 

Ang mga nag-aalaga, ang mga nagbabantay

Parang walang pakialam sa sinumpaang pangako

Walang nagawang inspirasyon sa mga susunod na henerasyon

Para muling alagaan si Agnes sa sangandaan.

 

At unti-unting kumalat ang sakit

Maraming Agnes ang sugatan, luhaan

Maraming kamatayan ang aabangan

Sadyang nilimot ang Dakilang Nakaraan.

 

At ang kandila ay unti-unting naagnas

Maghihintay muli ng bukang-liwayway...

 

 22 Hunyo 2006

 

more Reflections

 @ 2007 Diocese of