![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
Sa Pagbukas ng Bibig (Ang Dalawang Mahiwagang Padre)
Matandang Padre: Apat sa sampung salita ay pagmumura Matapos niyang magmisa O kaya paghihinagpis sa maliit na kolekta Maririnig sa pagbukas ng bibig.
Alalay na Padre: O kaya trying hard na pa-slang Para daw hindi katawa-tawa Kasi daw hindi maiintindihan ang english mo Sabi ng pilipinong gustong maging amo.
Sa pagbukas ng bibig ni padre Ingat ka sa darating na bagyo Di baleng masira kapwa pilipino Basta siya ay maging bida.
Palalabasin pa nga niyang ika’y tanga Kaya lagi niyang isasalin ang english mo Kasi daw pangbaryo At hindi pang amerikano.
Ginagaya pa nga si George Clooney Singitan mo daw ng "pretty" bawa’t salita Kaya ang “it is amazing, isn’t it?” Dapat daw “it is pretty amazing, isn’t it?”
Super confident siya na dila niya ay pang-amerika Pa-intellectual effect pa nga bokabularyong gamit niya Mali-maling grammar, binisayang tono Akala niya, ala-Clooney na, pero ala-Defensor baga.
Magugulat ka sa ingay niya Lagi pa siyang nakanganga Mga hungkag at mabulaklak na “how are you guys doing today?” Hindi niya alam, pinagtatawanan siya.
Maalala mo mga kapatid sa malayong bansa Wala ngang suweldo pero maamo Tunay na alagad at disipulo Nasa puso naman si Kristo.
Ika-8 ng Abril 2007 |
||||