![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
Kandila
Sabi ko mauubos na ang iyong liwanag Habang isinasara ni Louie ang mga pintuan At kinukuha ni Fr. Mercer ang mga aklat na ginamit sa Misa At isa-isang nawawala na ang mga nagsipagdalo.
Ang dating maliwanag na simbahan ay isang larawan na lamang Isang nakakuwadrong alaala ng nakalipas Tulad ng mga tuyong dahon sa tabi ng bakod Naghihintay ng tagawalis upang umuwi sa paroroonan.
Sa gitna ng tahimik at madilim na altar Nanatiling buhay ang iyong ningas At muli kong makikita ang nakangiting Birhen Kalong ang Sanggol, kalong ang mundo.
Kung darating ang wakas na maaring bukas Hayaan mong sindihan ang ningas ng puso Itawid sa tulay ng kabilang buhay Sa piling Niya dalhin liwanag na taglay.
Mayo 5, 2007 |
||||