The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

News Archives

 @ 2007 Diocese of

BUNDOK SAMAT SA IKALAWANG KABANATA

 

 

 

 

Muli, sa ikalawang yugto, sa pag-akyat sa Mt. Samat, ay langkay-langkay na nag-akyatan ang ating mga puso, hininga, kamay, at paa sa mga hakbang sa paghila ng bigat at gaan ng ating buhay bilang Pilipino at Kristiyano. Ang pangunahing diwa, SI HESUS ANG ATING HERO!

 

Mahigit kumulang na 35,000 mananampalatayang Katoliko ang naka-akyat sa pamumuno ng ating Obispo Soc Villegas dala-dala sa puso ng bawa’t isa ang lakbayin ng Diyosesis patungo sa kauna-unahang Sinodo bilang handog natin sa Simbahang itinatag tatlumpung taon na ang nakalilipas dito sa Lalawigan ng Bataan.

 

Ayon sa ating lingkod na pastol, ang paglalakad ay tanda ng karukhaan at kapayakan. Hindi tayo sumasakay kapag gusto nating ang paglalakbay ay manu-mano. Binubuno ng mga hakbang ang bawa’t daan ng pagiging karaniwan. At si Hesus lamang ang ating kasama at kasabay sa kanyang paglalakad sa pagpasan ng krus. Ganoon din ng ating mga ninuno na naglakad din noong death march. Kaya’t ang paglalakad ay pag-uugnay din. Ang paglalakad ay paninindigan para sa kabanalan at kabayanihan.

 

Ang pag-akyat, aniya ay pag-ahon at pagtaas sa antas ng pagbabago. Makakaahon ang bansa sa krisis. Tanda ito ng simula ng bagong buhay at bagong pag-asa. Makikita ang kalaliman ng ating mga pananaw at pangarap bilang Diyosesis at sambayanan ng Diyos dito sa Bataan. Naghihilahan tayo hindi lamang ng ating mga kamay kundi ng ating kalooban at kagustuhang makaahon sa kabila ng ating mga pagod at paghinto. Patuloy ang pakikibaka pa-akyat at paahon.

 

Ang pag-baba, dugtong pa niya ay ang paglusong dala-dala ang lakas ng pag-akyat upang ihatid ang balitang ito para sa iba at ihatid ang karanasan sa patag. Ito ang pagbabalik na may ibang hugis ng pananampalataya at may paninindigan sa ating mga natuklasan bilang bayan ng Diyos at ng ating lahi sa bundok ng Samat na pinagpala ng Diyos. Kasama si Maria sa paglalakbay na ito tungo sa Eukaristiya, tayo ay patuloy na maglakad, maglakbay, mag-ugnayan, manindigan sa KABANALAN AT KABAYANIHAN NG BATAAN!

 

Padre Percival V. Medina, kasama at kalakbay…

bundok3