The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

Sa isang malaking pagdiriwang ng Banal na Misa sa harapan ng Katedral ng San Jose, binigyang diin ni Obispo Ted Bacani sa kanyang homiliya ang mga kakaibang katangian ng mga Pilipino. Itinuturing na napakarelihiyoso natin kung ikukumpara sa ibang bansa. Sinabi niya na ayon sa mga ulat, maituturing nga tayong napakarelihiyoso pero sa gitna nito, nangunguna rin ang ating bansa sa corruption. "Paano ito napagsasabay - na bagama't tayo ay napakarelihiyoso, tayo rin ay corrupt? Only in the Philippines." wika niya.

Nagbigay siya ng obserbasyon na ang dalawang magkaibang katangian (pagiging relihiyoso at corrupt) ay posible lamang kung may hidwaan ang buhay pananampalataya at pagsasabuhay nito sa araw-araw. Sa gitna ng mga palakpakan at pagsang-ayon ng mga tao, ipinagpatuloy ni Obispo Ted ang hamon sa bawa't isa - na nasa ating mga kamay ang pag-asa na baguhin ang ganitong reputasyon. Nasa ating mga kamay ang pag-asa na baguhin ang takbo ng politika sa ating bansa.

Dinaluhan ang nasabing pagdiriwang ng mga kinatawan ng iba't ibang parokya - mula Morong hangang Colo. Nagkansela ng mga Misang Pang-Sabado ng gabi sa buong diyosesis upang bigyan ng kahalagahan ang sama-samang panalangin sa isang mapayapa, malinis at makabuluhang halalan sa darating na Mayo. Matapos ang pagdasal ng Kredo, ang iba't ibang kinatawan nga mga parokya, kasabay ng mga dumalo, ay nanumpa na patuloy na haharaping labanan ang sistema ng maling politika dito sa lalawigan ng Bataan.

Misa MP3 here >

Home

 @ 2007 Diocese of
Misa Para sa isang Tahimik,