![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
ANG MULING PAGKABUHAY Ika-27 ng Marso 2005
Marami na ang nasabi tungkol sa nakabalot na hiwaga ng Muling Pagkabuhay ni Hesus. Minsan pa nga, sa ating pagninilay, ang tanong natin ay king ano ang kahulugan ng Muling Pagkabuhay sa ating modernong mundo, sa ating araw-araw na buhay. Madali pa daw na makita sa ating lipunan at sa ating buhay ang kahulugan ng paghihirap ni Hesus, ang mga Biyernes Santo sa ating buhay, pero ang Linggo ng Muling Pagkabuhay ay mahirap iugnay sa atin.
Ganoon nga kaya? Simulan nating noong Biyernes Santo. Nakipaglibing tayo sa pamamagitan ng prusisyon. Mananatiling isang hungkag na ritwal lamang ang prusisyon ng libing kung wala tayong nailibing. Nailibing ba natin ang ating masasamang bisyo, pangit na pag-uugali? Nailibing ba natin ang ating pagiging makasarili, pagmamayabang, walang-pakialam sa mga dukha, ang kapabayaan natin sa pakikipagkapuwa? Nailibing ba natin ang mga kasalanan? Inaasahan ng Diyos na nailibing na natin ang mga ito, kasi, bago mag Biyernes Santo, matagal tayong naghanda at tinulungan tayo ng Liturhiya upang magbalik-loob. Sa ganitong paraan, makikita natin na kasabay sa pagpapahayag ng Muling Pagkabuhay ni Hesus ang pagsikat lagi ng pag-asa, ng pag-ibig, ng bagong buhay.
May Muling Pagkabuhay ba sa ating mga parokya? Nabago ba ang pag-uugali ng iba’t ibang samahan? Naging mags mapagpatawad ba tayo sa ating mga kasama? Naging mas mapagpakumbaba ba ang bawa’t isa? May Muling Pagkabuhay ba sa ating sariling buhay mismo? Naitakwil na ba natin ang mga pinagsisihang kasalanan? Nagdeklara na ba tayo ng digmaan laban sa kasamaan? Tunay nga na ang Muling Pagkabuhay ay isang buháy na regalo ng Diyos sa atin tungo sa isang pagbabago, tungo sa isang bagong lipunan, tungo sa isang bagong Simbahan. Amen! |
||||