The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

 

SETYEMBRE 25

 

 

ika-26 na Linggo

Mt 21, 28-32

 

Alin sa dalawang anak na lalaki ang naging kaaya-aya sa kanilang ama? Isang anak na matapos mangako ay hindi tutuparin ang kanyang pangako at isang tumangging magtrabaho pero pagkatapos ng ilang panahon ay pumayag ding magtrabaho.  Siyempre, alam na natin kung sino.  Sino sa atin ang magiging kalugud-lugod sa mata ng Diyos - matapos na mangakong maging Kristiyano ay hindi naman tutuparin ang pagiging Kristiyano - laging sa salita lamang. Mas mabuti pa ang minsang nahulog sa balon ng kasalanan at pagkatapos ay muling nagsumikap na magbago. 

 

Mga kapatid, huwag nating kalimutan ang isa pang napakahalagang tauhan sa Ebanghelyo nganon - ang ama ng 2 lalaki.  Ang kanyang tiyaga sa paghihintay na magbago ang kanyang mga anak.  Siya ang Diyos, matiyagang naghihintay kung kailan tayo babalik sa Kanya. Naalala ko ang isang kuwento - si Hesus, malungkot daw sa pintuan ng langit.  Bakit?  Ang tanong ni Pedro.  Kasi, sabi Niya, hinihintay ko si Hudas.  alam ko, isang araw, babalik siya.

 

Sa araw na ito, huwag nating kalimutan ang matiyagang paghihintay ng Diyos sa atin.  Siguro, nangako tayong babalik na sa Kanya, pero sa iba't ibang yugto ng buhay natin, kinalimutan natin Siya.  O kaya ay iniwan sa isang sulok ng ating buhay.  Alalahanin natin, naghihintay Siya.... Hindi pa naman huli. 

 

Fr. Jun

 @ 2007 Diocese of